IKAW AT AKO by Johnoy Danao [A Beautiful Affair OST]

Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habangbuhay.

Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na mag-daan.

Sana’y di magmaliw ang pagtingin
Kaydaling sabihin , kayhirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay natin gawing kahapon ang bukas.

Ikaw at ako, pinag-isa
Tayong dalwa may kanya kanya
Sa isa’t-isa tayo ay sumasandal

Bawat hangad kayang abutin
Sa pangamba’y di paaalipin
Basta’t ikaw, ako
Tayo magpakailanman.

Kung minsan ay di ko nababanggit
Pag-ibig ko’y di masukat
Ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika’y saktan
Puso mo ba’y handang magpatawad

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko’y may kahulugan
tuwing ako’y iyong hagkan
Umabot man sating huling hantungan
Kapit-puso kitang hahayaan
Ngayon at kailanman
Ikaw at ako.

Did you enjoy this post? Why not leave a comment below and continue the conversation, or subscribe to my feed and get articles like this delivered automatically to your feed reader.

Comments

[…] IKAW AT AKO by Johnoy Danao [A Beautiful Affair OST] Posted by lea December 2, 2012 […]

nice. thnks. 😛

gusto ko po gangnam style meron po ba?

Hoy pare laos na gangnam style uso ngayun mga kanta ni willie :)

Leave a comment

(required)

(required)