WALANG NATIRA by Gloc 9

Napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)

nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

yung bayang sinilangan ang pangalan ay Pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
ang pahinga’y iipunin para magamit pag-uwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng chokolate ang matamis na ngiti
ng anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugtumin, sasaktan, malalagay sa peligro
uwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ito sa kanila
lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo mututubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira ahh

Did you enjoy this post? Why not leave a comment below and continue the conversation, or subscribe to my feed and get articles like this delivered automatically to your feed reader.

Comments

Wow…
Ganda ng Lyrics sana lang tumayo tlga ang ma nakaupo para makita nila lahat ito.. kailan kaya natin maipag yayabang na Pilipinas ang nagbibigay ng trabaho sa kapwa Pilipino at hindi dahil nakaipag partner tayo sa mga bansa para sila ang magbigay ng trabaho sa mga kababayaran natin…

“ihahabilin ang anak para ito sa kanila
lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba” – best part of the song

ilang pamilya na rin ang nasira dahil sa lumaki ang mga anak na wala ang mga magulang para lang magtrabaho ABROAD?
mga guro natin nag aabroad samantalang napakaraming parte pa ng Pilipinas ang hindi naabot ng edukasyon???

Astig..

Ang galing talaga ni gloc 9 gumawa ng kanta.
Kelan kaya babalik ang mga kababayan natin dito para dito gamitin ang kanilang galing at kailan makikita ng iba na ang mga kababayan natin ay kailangan ng kahit kaunting paghanga at tulong para sa sinasabi nilang mabilis na pagginhawa ng buhay.

The best talaga. More powers pa at songs!

Way to go Gloc9!!!

Thi is the best! Keep it up Gloc-9.

…MGA PINUNO AY UNGAS!

above all artist Gloc 9 stands all!
he’s unique..and all his songs reflects our society..
we change men!!

above all artist Gloc 9 stands all!

he’s unique..and all his songs reflects our society..

we change men!!

itong kantang ito pinahanga talaga ko nito.., dahil inspiration ito sa lahat ng mga pilipino na nag-kakanda kuba,pag-papaalipin,at pagtitiis sa lahat ng pasakit at pagsubok na hamon sa kanila, makapag-trabaho lang sa abroad para lang sa kapakanan o kinabukasan ng pamilyang naiiwan nila dito sa ating sariling bayan..

iba ang pinoy pride…! :)

Wow! amazing Gloc 9 keep it up
:)

galing talaga i dol gawa ka pa ng mga ganitong uri ng kanta , suportahan taka, keep it up gloc wow

.idol q tlga c gloc9 astig pare..

‘anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila’

namiz q tatay q d2..grabe

astiq ka tlqa gloc9 .. nka2touch unq bqong album nio.. cute zhenq .. crush cu xia haha.. maq aabroad aq pra xa knya haha

wow ang galing ng pagkagawa ng lyrics nito…..

Wow Gloc9!
napakagandang mensahe!
more power to you!

idol tlga si gloc 9, d best…
Ang hirap tanggapin na ganito ang systema dito sa pilipinas, kelan kaya ito mababago…

Sa mga namumuno na corrupt, lahat kayo’y UNGAS!

ang galing mo gloc 9,idol!!!

your the best talagah…sana ipagpatuloy mo lang yang pagrarap mo dahil maraming tao ang nai-inspire sa mga kinakanta mo?hehehe:)

ang ganda ng kanta ninyo

Congrats Kuya Aris, astig talaga ang mga banat mo, REALIDAD lang.

Galing talaga ng ni Gloc 9.
Sana umahon na yung Pinas..=(

gloc 9 astig

Leave a comment

(required)

(required)