KUNG OKAY LANG SAYO by True Faith

‘Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na ‘di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang hindi para sa ‘yo
Ngunit bakit hindi kita makalimutan
Sa ‘yo ba’y okay lang

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay ko sa ‘yo
At sana’y pakinggan mo


Huwag ka sanang magugulat sa akin
‘Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung okay lang sa ‘yo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay ko sa ‘yo
At sana’y pakinggan mo

Ngayong alam mo na, sana’y ‘di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung okay lang sa ‘yo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay ko sa ‘yo
At sana’y pakinggan mo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay ko sa ‘yo
At sana’y pakinggan mo

Kung okay lang sa ‘yo

Did you enjoy this post? Why not leave a comment below and continue the conversation, or subscribe to my feed and get articles like this delivered automatically to your feed reader.

Comments

No comments yet.

Leave a comment

(required)

(required)