ARAW GABI by Regine Velasquez

Di biro ang sumulat ng awitin para sa iyo
Para akong isang siraulo’t hilo at lito
Sa akin pang minanang piano tiklado?y pilit nilaro
Baka sakaling merong tono bigla na lang umusbong

Tungkol sa ano man kayang awitin para sa iyo
Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyunaryo kung ang tugma’y di wasto
Basta’t isipin di magbabago damdamin ko sa iyo

Chorus:
Araw gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka
Kahit san magpunta
Araw gabi nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw gabi tayong dalawa

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid laman nitong dibdib
Tila sampu pa ang awitin ang natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin

( Repeat Chorus )

Araw gabi tayong dalawa..
Araw gabi tayong dalawa..

( Repeat Chorus )

Araw gabi tayong dalawa..

Did you enjoy this post? Why not leave a comment below and continue the conversation, or subscribe to my feed and get articles like this delivered automatically to your feed reader.

Comments

No comments yet.

Leave a comment

(required)

(required)