BAGONG SIMULA (Bayanijuan) by Various Artists

Lyrics: Robert Labayen
Music: Jonathan Manalo
Performed by Kevin Roy, Yael (Sponge Cola), Mark Abaya, Kitchie Nadal, Placid, and Yeng Constantino

KEVIN ROY
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa asin lagi ang ulam
Umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan

YAEL
Lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid

MARK ABAYA
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito na magtapos

KEVIN ROY – Todo na to

YAEL
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw

MARK ABAYA
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

KITCHIE
Wag nang maulit kapalarang kaypait
Wag magpabaya wag kang manahimik
Wag kang manlalamang wag kang manggigipit
Wag magkanya-kanya magkaisang bisig.
YENG
Magmalasakit ito’y kabayanihan
Gawin mo anumang makayanan
Kalagayan ng bayan sumasama lamang
Kung walang gagawin tayong mamamayan

ALL
Todo na to!

PLACID
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

TUGMA
Ipakita natin
sa ating mga magulang,
Mga kapatid,
Kaya natin ito.
Isang subok pa,
Sabay-sabay na,
Walang kukontra….

LAST CHORUS – ALL
Todo na to
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Sa bagong simula ng ating bayan.

Did you enjoy this post? Why not leave a comment below and continue the conversation, or subscribe to my feed and get articles like this delivered automatically to your feed reader.

Comments

Buti naman may part si Kevi Roy, hehe I’m a fan since P.O.T days hanggang Kapatid. Too bad, nag-lay low na Kapatid..
Anyway, for Filipino Music updates stay tuned at http://musikalokal.com.
Good day po, napadaan lang :-)

Leave a comment

(required)

(required)